
CLAIM: Hindi na bahagi ng basic education curriculum ang Grade 11 at Kinder
RATING: HINDI TOTOO
Maling inanunsiyo ng isang Facebook post na simula Hunyo 2025, hindi na raw bahagi ng basic education curriculum ng Pilipinas ang Grade 11 at Kindergarten.
Ang post ay naglaman ng larawan na nagsasabi na ang mga estudyanteng nagtapos ng Grade 10 ay maaari nang direktang makapag-enroll sa kolehiyo—pinakahuhulugan na pati ang Grade 12 ay aalisin na rin mula sa kurikulum.
Ipinahayag din sa post na ang mga batang may edad limang taon ay maaari nang pumasok sa Grade 1 kahit hindi pa sila dumaan sa kindergarten o preschool.
Wala pang final na desisyon ang Department of Education (DepEd) hinggil sa kahit anumang pagbabago sa kurikulum.
Ang maling impormasyon ay ipinost sa isang Facebook page na nagngangalang “Dole Phil,” na nagpapanggap bilang opisyal na page ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ang tunay na Facebook page ng DOLE ay wala ring inilabas na anunsyo ukol sa isyung ito.
Ang link na kalakip ng post ay patungo sa isang online shopping website.
Umani ang post ng 434 reactions, 155 comments, at 5,200 shares. Regner Atutubo
PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..
PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.
The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.
If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

FACT-CHECK: AI-generated video of tycoon promoting ‘online investment’ spreads
A fake online advertisement featuring business tycoon Lance Gokongwei, supposedly promoting an online investment through an unnamed app, is actually content manipulated through artificial intelligence.

FACT-CHECK: P20-per-kilo rice only available at KADIWA Centers
A TikTok post claiming a drop in rice prices under President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. failed to provide context about the rice being sold at P20 per kilo, which is only available through the Department of Agriculture’s Kadiwa ng Pangulo (KNP) marketing initiative, and in selected KNP centers.