CLAIM: Ang pagsunog ng bandila ng Pilipinas ay isang anyo ng kawalang respeto
 
RATING: KULANG SA KONTEKSTO

 

Sa isang video clip na kumalat sa Facebook, na walang tamang konteksto, ang nagpakita ng watawat ng Pilipinas na dinala patungo sa isang malaking metal na lalagyan na may apoy. Gaya ng inaasahan, ang video na ito ay nagdulot ng kalituhan, pag-aalala, at galit sa mga manonood.

Ipinahayag ng ilang mga netizen ang kanilang pagkabigla at nagsabi ng “Totoo ba yan. Ipaliwanag po sa mga Pilipino. Nakakalungkot, sobrang nakakalungkot.” “Bakit po? Pambabastos na po yan.”

Ngunit ang video ay aktwal na nagpapakita ng isang maayos at taimtim na seremonya ng pagsunog ng watawat sa isang pampublikong paaralan sa Palawan.

Ang Flag and Heraldic Code of the Philippines (Republic Act No. 8491) ay naglalaman ng mga tiyak na alituntunin para sa tamang pag-aalaga at pagtatapon ng watawat ng Pilipinas, lalo na kapag ito ay luma na o nasira.

Batay sa Seksyon 14 ng nasabing batas, ang bandilang napinsala dulot ng wear and tear ay kailangang alisin sa isang solemneng paraan, at ang pinakamainam na paraan ay ang pagsunog ng bandila, kasunod ang pangangalap ng mga abo at paglilibing ng mga ito ng may respeto upang maiwasan ang pag-abuso o desecration.

Pinagtibay ng National Historical Commission of the Philippines, National Economic and Development Authority, at iba pang mga ahensya ng gobyerno at organisasyon ang pagsasagawa ng taimtim na pagsunog ng watawat bilang isang tamang paraan ng pagtatapon.

Ang viral na video na kuha mula sa Palawan National School noong Setyembre 30 ay isang lehitimong seremonya na isinagawa ng mga boy at girl scouts, na sinamahan ng mga opisyal ng distrito ng paaralan.

Ang video na nai-post sa Facebook ay nakatanggap ng 55,000 reaksiyon, 11,700 komento, 6,100 shares, at 22.3 milyong views hanggang sa oras ng pag-post na ito. Mery-anne Alejandre 


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});