Mali ang sabi ng isang Twitter user na hindi karapat dapat manalo ng Nobel Prize si Rappler CEO Maria Ressa dahil hindi siya isang imbentor. 

CLAIM: Ang Nobel Prize ay para lamang sa mga imbentor

RATING: HINDI TOTOO


Nag share ng quote card si Twitter user, Edwin Zalameda, kung saan nakalagay ang litrato ng Nobel Prize medal na may kasamang tanong na “diba ang NOBEL PRIZE ay para sa mga imbentor? 

Nakasama din sa social media card ang larawan ni National Scientist Dr. Fe del Mundo. Sabi sa card na nag inimbento ni del Mundo ang incubator pero hindi siya nakatanggap ng Nobel Prize (Ito ang paksa ng aming susunod na fact check).  Si Ressa naman ay ininsulto ng social media card na tinawag siyang “nag iimbento ng balita” pero nanalo ng Nobel Prize.

Nilagyan ni Zalameda ng caption na “Korek” ang tweet na kasama ang social media card kasama ng isang tumatawa at peace sign na emoji.  Ang tweet niya ay nakakuha ng 190 retweets, 33 quote tweet at 570 likes.

Itinatag and Nobel Prize ng Swedish chemist, engineer, at industrialist na si Alfred Nobel nung kanyang pirmahan noong Nov. 27, 1895, ang kanyang huli at ikatlong huling testamento na pinagkakaloob ang kanyang lahat na ari-arian para sa pagtatayo ng isang “premyo para sa mga tao na noong nakaraang taon ay gumawa ng mga bagay na higit na nakatulong sa sangkatauhan”. Sinabi ni Nobel sa kanyang huling testamento ang limang kategorya na gagantimpalaan: Physics, Chemistry, Physiology o Medicine, Literature, and Peace.  Wala sa huling testamento ni Nobel na nagsasabing mga imbentor lamang ang mananalo. Ang website mismo ng Nobel Prize at hindi binabanggit ang ganitong reglamento.

Si Ressa at ang kasama niyang nanalo ng 2022 Peace Prize na si Dmitry Muratov Muratov, ay mga mamamahayag.

Si Mother Teresa ng Calcutta, isang Katolikong madreng misyonera at tagapagtatag ng Missionaries of Charity, nanalo ng Nobel Peace Prize noong 1979. Ang dating pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama nanalo din sa parehong kategorya noong 2009. Ang iba pang dating pangulo ng Estados Unidos na nanalo ng Nobel Peace Prize ay sina Theodore Roosevelt (1906), Woodrow Wilson (1919) at Jimmy Carter (2002).  

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.