CLAIM: Kinondena ng adult star na si Johnny Sins ang pag-aresto ng ICC kay Duterte at inalok ang kanyang serbisyo bilang attorney.
 
RATING: HINDI TOTOO

 

Isang video na in-upload sa TikTok at Facebook ang nagpakalat ng maling impormasyon na ang adult film star na si Johnny Sins ay isa daw abogado na sumusuporta kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kaso sa International Criminal Court (ICC).

Nakasaad sa video ang text na: “Ang ikalawang abogado daw ni Tatay Digong ang magpapatiklop sa tatlong babaeng ICC judges na pumirma ng arrest warrant. Checkmate kana daw BBM!!! (Marcos). Sobrang galing at Hall of Famer daw kaya manginig na daw (sic) sa takot! Kayangiti (sic) ngiti lang daw dahil sobrang galing daw nito sa bakbakan sa korte!”

May lumabas ding quote na galing umano kay Johnny Sins sa dulo ng video, kung saan sinabi niyang labag sa batas ang hakbang ng ICC laban kay Duterte at inaalok niya ang kanyang serbisyo bilang isang attorney nang libre.

Ang orihinal na video ay nagmula sa opisyal na TikTok account ni Johnny Sins. Subalit, walang makitang anumang post o video na may kaugnayan kay Duterte sa kanyang TikTok.

Kamakailan ay sinuri ng PressOne.PH ang mga katulad na mga satirikong content na nagpapakalat ng pekeng quote cards gamit ang iba’t ibang personalidad, totoo man o kathang-isip, at mga lehitimong news outlet.

Ang mapanlinlang na content na ito ay bahagi ng iisang naratibo laban sa ICC at nagpapakita ng suporta kay Duterte upang makalikom ng mataas na social media engagement at maakit ang mga netizen.

Ang tunay na pangalan ni Sins ay Steven Wolfe, at wala ang kanyang pangalan sa opisyal na listahan ng mga counsel sa ICC dahil siya ay hindi isang abogado.

Si Nicholas Kaufman ang nagsisilbing lead defence counsel ni Duterte at ang nag-iisang kinikilalang miyembro ng legal team ng dating pangulo.

Umabot na sa daan-daang libong views ang mga video, kasama ang higit sa sampung-libong reactions, comments, at shares sa Facebook at TikTok. Michael Hermoso – Bautista


IFCN Signatory Badge

PressOne.PH is a verified signatory of the Code of Principles of the International Fact -Checking Network (IFCN) at Poynter. The code of principles of the International Fact-Checking Network is a series of commitments organizations abide by to promote excellence in fact-checking. We believe nonpartisan and transparent fact-checking can be a powerful instrument of accountability journalism..

PressOne.PH believes that fact-checking is essential to combating misinformation and disinformation, and in informing and educating citizens and voters. Read more of PressOne.PH’s Fact-Checking Policy by clicking here.

The public is welcome to send feedback or requests for fact-checks at factcheck@pressone.ph.

If you believe PressOne.PH is violating the Code of Principles of the International Fact-Checking Network (IFCN), you may submit a complaint directly to the IFCN website: https://ifcncodeofprinciples.poynter.org/complaints-policy

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-1535372364357523" data-ad-slot="8956430836" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true"> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});