Ang DSWD ay hindi pa naglalabas ng listahan ng bagong batch ng mga benepisyaryo ng cash assistance

CLAIM: Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nakapaglabas na ng listahan ng mga piling benepisyaryo ng cash assistance.

Isang video sa Facebook ang naglalaman ng mensahe na: “[Bagong] listahan ng mga benepisyaryo inilabas na!” Ito rin ay may caption na: “P15,000 ANNUAL CASH ASSISTANCE BAGONG LISTAHAN NG MGA BENEPISYARYO || MAS MARAMI NA ANG MABIBIGYAN!”

 

Rating: KULANG SA KONTEKSTO


Bakit namin finact-check ito: Sa pagsusulat nitong storya na ito, ang nasabing post ay mayroon nang 22,381 views sa Facebook.

Ang bottom line: Noong Agosto 1, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay naglabas ng unang resulta ng Listahanan 3, na isang nationwide household assessment na isinagawa ng National Household Targeting Office (NHTO) na naglalayong tukuyin ang mga “mahihirap” na sambahayan sa pamamagitan ng siyentipikong paraan.

Tanging batayan: Ang laman ng Listahanan 3 ay nagsisilbing batayan para matukoy ang mga maaaring makatanggap ng iba’t ibang programa at serbisyo sa social protection sa buong bansa, kabilang na rito ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), at iba pa. Ang mga nasa listahan ay hindi awtomatikong benepisyaryo.

Hindi pa matukoy ang mga benepisyaryo: Noong soft launch ng resulta ng Listahanan 3, sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na ang nasabing listahan lamang ang binigay ng NHTO. Ang bagong batch ng mga benepisyaryo ng nasabing cash assistance, partikular na ng 4Ps, ay hindi pa matukoy.

Tulad ng naibanggit sa isang press release, noong Disyembre 2021, natukoy ng Listahanan 3 database ang 5,599,091 na mahihirap na sambahayan para isama mula sa 15,487,655 kabuuang sambahayan na nasuri. Gayunman, nilinaw ni Tulfo na hindi lahat ng nasa listahan ay isasama bilang benepisyaryo dahil depende sa budget ang bilang ng mga pamilyang mabibigyan.

Kahalagahan ng listahan: Bukod sa pagtukoy ng potensyal na mga benepisyaryo ng mga serbisyong nabanggit, ang listahan ay gagamitin din para pag-aralan kung ano ang mga angkop na programang kinakailangan ng mga mahihirap na pamilya.

Inisa-isa ni NHTO Director Andrew Ambubuyog, sa nasabing kaganapan, ang mga sumusunod na programa na inilunsad ng kagawaran sa mga nakaraang taon alinsunod sa datos na nakalap ng Listahanan:

  • 4Ps
  • PhilHealth Indigent Program
  • Tertiary Education Subsidy (TES) Program
  • Social Amelioration Program

– Ailla Dela Cruz/Rappler.com (Translated by Jessie Rival)

 

PressOne.PH is part of #FactsFirstPH which brings together various sectors that are committed to promoting truth in the public space, and exacting accountability on those who harm it with lies. For those interested to join the initiative, email info@factsfirst.ph

PressOne.PH has adopted Facebook’s ratings options for third-party fact checkers and is working toward accreditation with the International Fact-Checking Network (IFCN).

See our fact-checking policy here.