Nakailang hearing na ang Senado tungkol sa mga isyung kinasasangkutan ng Department of Health at ng Procurement Service ng Department of Budget and Management o PS-DBM. Sabi ni Pangulong Duterte, wala naman daw napatunayan or nakitang kamalian ang imbestigasyon ng Senado. Sabi ng kanyang mga kaalyado sa Kongreso, pinupulitika lang ang isyu dahil malapit na ang eleksyon. Totoo nga kayang may Davao Mafia na ginagatasan ang ating bayan habang nasa pandemya tayo? Malalaman natin ang kasagutan dito at sa marami pang katanungan kasama ang chairman ng Philippine Red Cross at ng Senate Blue Ribbon Committee, Sen. Richard Gordon. Tayo na sa isang malalimang talakayan dito lamang sa loob ng Press Room.

 

LISTEN ON SPOTIFY: